
Apat o limang taon pa lang ako noon nang una kong napanood sa telebisyon si Wonder Woman. Mangha mangha ako sa kanya. Ang ganda niya. Ang lakas. Ang galing. Pagkatapos ng palabas, pumikit ako, ginaya ko ang pag ikot niya, di nagbago ang suot ko, ako pa rin ako, di ako naging Wonder Woman. Umikot ulet ako. Ganon pa rin. Inulet ko pa ng tatlong beses. Wala pa ring nabago. Nahilo lang ako.
Bakit ba idolong idolo ng mga shokla si Wonder Woman? Kailangan pa bang i-memorize yan. Unang una maganda siya, flawless, at kahit ilang batalyong mga kalaban pa ang sugpuin niyan, kurbang kurba pa rin ang buhok niya. Parang laging bagong blower.
Malakas siya. Ang tingin ng mga tao sa mga shokla e mahina at lampa. Kaya kung nag Wonder Woman moment ang shokla, feeling niya ang lakas niya rin at kayang kayang sugpuin lahat ng mga kumukutya sa kanya.
Ang costume, panalo din, gold kung gold, winner ang mga accessories, ang tiara, ang bracelets. Gagawin ng mga shokla, super raid ang closet ng mudra pag namalengke. Habang walang tao, isusuot ang bra, issuot ang panty, ang belt, at kumot para sa kapa. Sabay kuha ng upuan at kunwang sasakay sa invisible jet. Maagang dumating ang nanay. Pinalo ako sa puwet.
Para sa akin, si Lynda Carter lang ang may karapatang gumanap na Wonder Woman. Matagal ng frozen delight ang Wonder Woman movie project sa Hollywood, pero sa tingin ko mahihirapan silang makahanap ng artistang mapapantayan ang galing ni Lynda. Good luck.
Maraming salamat Wonder Woman. Kung hindi dahil sa iyo, hindi ako magiging ganito katatag.

2 comments:
nice article
ang balita ko ang wonder woman na ipapalabas ay cartoon
check the sneak preview
add me in friendster
aylmer1976@yahoo.com
tnx
ciao
thnx 4 d article about me...hehehe
Post a Comment