Monday, November 17, 2008

Britney Spears' Circus

Mga shokla, di na ba kayo makapaghintay mapakinggan ang bagong album ng ating lola Britney? Well well well, nag leak na siya and in fairness ha, mas maganda siya sa Blackout. Download niyo na lang at make sure na bumili kayo sa inyong suking tindahan paglabas na paglabas niya. Suportahan naman natin at lumalaki na ang mga chikiting niya, kailangang pambili ng gatas.

Download link: http://www.zshare.net/download/51441149041c6bab/

Thursday, November 6, 2008

Wala Kang Kawala Aljur

The guy from left is a bit player from Walang Kawala, an indie movie starring Polo Ravales and Joseph Bitangcol. Doncha think that he looks a lot like GMA teen-star Aljur Abrenica? Both of them are so delicious, yum.

Tuesday, November 4, 2008

Sexsame Street


Nagtataka ang aking mga magulang bakit ako naging shokla. Simple lang, habang sila ay abala sa paghahanap buhay, si yaya ay kumekerengkeng kay drayber at si kuya sobrang busy sa paglalaro, nag iisa lang ako sa bahay at nanunuod ng Sexsame Street. Ang saya saya!

Monday, November 3, 2008

Yael or Marc Anthony



Yael (from Spongecola), anong nangyari sa iyo? Crush pa naman kita dati.

Sunday, November 2, 2008

Si Wonder Woman


Apat o limang taon pa lang ako noon nang una kong napanood sa telebisyon si Wonder Woman. Mangha mangha ako sa kanya. Ang ganda niya. Ang lakas. Ang galing. Pagkatapos ng palabas, pumikit ako, ginaya ko ang pag ikot niya, di nagbago ang suot ko, ako pa rin ako, di ako naging Wonder Woman. Umikot ulet ako. Ganon pa rin. Inulet ko pa ng tatlong beses. Wala pa ring nabago. Nahilo lang ako.

Bakit ba idolong idolo ng mga shokla si Wonder Woman? Kailangan pa bang i-memorize yan. Unang una maganda siya, flawless, at kahit ilang batalyong mga kalaban pa ang sugpuin niyan, kurbang kurba pa rin ang buhok niya. Parang laging bagong blower.

Malakas siya. Ang tingin ng mga tao sa mga shokla e mahina at lampa. Kaya kung nag Wonder Woman moment ang shokla, feeling niya ang lakas niya rin at kayang kayang sugpuin lahat ng mga kumukutya sa kanya.

Ang costume, panalo din, gold kung gold, winner ang mga accessories, ang tiara, ang bracelets. Gagawin ng mga shokla, super raid ang closet ng mudra pag namalengke. Habang walang tao, isusuot ang bra, issuot ang panty, ang belt, at kumot para sa kapa. Sabay kuha ng upuan at kunwang sasakay sa invisible jet. Maagang dumating ang nanay. Pinalo ako sa puwet.

Para sa akin, si Lynda Carter lang ang may karapatang gumanap na Wonder Woman. Matagal ng frozen delight ang Wonder Woman movie project sa Hollywood, pero sa tingin ko mahihirapan silang makahanap ng artistang mapapantayan ang galing ni Lynda. Good luck.

Maraming salamat Wonder Woman. Kung hindi dahil sa iyo, hindi ako magiging ganito katatag.

Saturday, November 1, 2008

Emily Rose: Shokla Version


Ang "Exorcism of Emily Rose" ay isa sa mga paborito kong pelikulang nakakatakot. E nakakakilabot naman talaga e. Base ito sa tunay na buhay kaya nakakatakot talaga. Posibleng mangyari kaninuman. Pag napanood mo itong pelikula, ayaw mo ng magising ng alas tres ng madaling araw. Believe me. Kahit naaihi ako at magising ako ng ganitong oras. Pipigilan ko na lang. Kesahodang magkasakit ako sa bato.

Iniisip ko lang, what if kung mga shoklang demonyo ang sumapi kay Emily Rose. Pakinggan natin:

Emily Rose: jisa, krolawa, shotlo, kyopat, jima, kyonim... jisa, krolawa, shotlo, kyopat, jima, kyonim...

Father Moore: Bruha ka, tell me your six names!

Emily Rose: Chuka! Chuva! Chorva! Chenes! Chenelyn! and I am Charing, the shokla in the plesh! Mwa ha ha ha!